Mga Reklamo sa Pag-access sa Wika
Arabic | Chinese (Simplified) | Chinese (Traditional) | Farsi | Korean | Punjabi | Russian | Spanish | Tagalog | Vietnamese
Para sa impormasyon (at mga form) tungkol sa paghahain ng reklamo tungkol sa isang partikular na interpreter sa hukuman: Maghain ng Reklamo Tungkol sa isang Interpreter sa Hukuman ng California.
Magsumite ng Reklamo Tungkol sa Mga Serbisyo sa Pag-access sa Wika ng Konseho ng Hukuman
Kung gusto mong magsumite ng reklamo sa mga serbisyo sa pag-access sa wika tungkol sa mga pagpupulong, form, o iba pang pagsasalin ng Konseho ng Hukuman na naka-host sa website ng Mga Hukuman sa California, mangyaring punan at isumite ang form ng Reklamo sa Pag-access sa Wika. Available rin ang form na ito sa: (Spanish), (Arabic), (Farsi), (Korean), (Punjabi), (Russian), (Tagalog), (Vietnamese), (Simplified Chinese), at (Traditional Chinese).
Tandaan:
1. Maaari kang magsampa ng reklamo tungkol sa isang partikular na interpreter sa hukuman ng California kung naniniwala ka na ang isang sertipikado o rehistradong interpreter ay:
- Lumabag sa Mga Panuntunan ng Hukuman ng California, panuntunan 2.890, Propesyonal na pag-uugali para sa mga interpreter;
- Hindi maisalin nang mahusay sa English at/o sa wikang isinasalin;
- Nakagawa ng mga maling gawain o kumikilos nang labag sa etika.
Para direktang maghain ng reklamo sa Konseho ng Hukuman hinggil sa isang partikular na interpreter sa hukuman, mangyaring bisitahin ang page ng Mga Reklamo sa Mga Interpreter sa Hukuman.
2. Kung ang iyong reklamo ay tungkol sa kabiguan ng hukuman na magbigay ng mga serbisyo ng interpreter o mga pangkalahatang reklamo tungkol sa mga tauhan ng hukuman, opisyal ng hukuman, o lokal na dokumento at pagsasalin na ibinigay ng korte, mangyaring bisitahin ang website ng hukuman para sa mga tagubilin kung paano direktang ihain ang iyong reklamo sa hukuman.
Para isumite ang reklamo tungkol sa mga serbisyo ng Konseho ng Hukuman, mangyaring sagutan ang mga patlang sa form ng Mga Reklamo sa Pag-access sa Wika at pindutin ang button na submit (isumite), o ipadala ang form sa email sa LAP@jud.ca.gov kapag nasagutan mo na. Maaari ka ring mag-print ng isang kopyang papel ng form, sagutan ito sa pamamagitan ng sulat-kamay, at ipadala ito sa pamamagitan ng mail sa address na ipinapakita. Makikipag-ugnayan kami sa iyo sa loob ng 90 araw pagkatapos naming matanggap ang iyong reklamo.
Maaari kang maghain ng hindi makikilalang reklamo. Gayunpaman, hindi namin magagawang makipag-ugnayan sa iyo kung kailangan namin ng karagdagang impormasyon, at hindi namin magagawang makipag-ugnayan sa iyo tungkol sa paglutas ng iyong reklamo.
Salamat sa pagsusumite ng reklamo o mga mungkahi tungkol sa mga mapagkukunan o serbisyo sa pag-access sa wika ng Konseho ng Hukuman.